Bagets inaresto sa paglalabas ng kanyang ari sa socmed

Bagets inaresto sa paglalabas ng kanyang ari sa socmed

December 29, 2021 @ 6:13 PM 7 months ago


SINGAPORE – Inaresto at sinampahan na rin ng kasong kriminal ng pulisya ngayong araw ang isang 22 anyos na lalaki na naglabas ng dalawang beses ng kanyang ari sa social media na OnlyFans.

Hindi pinangalanan ang suspek ng pulisya ngunit maaaring mabilanggo ito ng anim na buwan at pagmumultahin ng 5,000 Singapore dollars.

Ayon sa pulisya, unang naglabas ng litrato at video ng kanyang ari ang suspek noong Setyembre at tineykdown ito ng pulisya nitong Oktubre 11 kasabay ng babala na hindi dapat maulit iyon kund hindi mahaharap ito sa kasong kriminal.

Inirason ng lalaki na unsecured ang kanyang account at ibinalik sa kanya ang account ng administrator ng OnlyFans.

Hindi nagtagal, muling naglabas ito ng katulad na mga litrato at video at napilitan na ang pulisya na arestuhin ito at kasuhan sa darating na Huwebes. RNT