Bagets sa Kalibo, tinapatan ng curfew

Bagets sa Kalibo, tinapatan ng curfew

August 14, 2022 @ 10:45 AM 2 months ago


KALIBO, Aklan- Naglabas ng kautusan ang lokal na pamahalaan ng Kalibo ng curfew hour sa mga menor de edad bunsod ng pagtaas na bilang mga kriminalidad sa nasabing bayan.

Base sa Executive Order No. 026 na nilagdaan noong August 11, ni Kalibo Mayor Juris Sucro, nakasaad ang municipality-wide curfew sa mga menor de edad mula 10 p.m. hanggang 4 a.m. kinabukasan.

“The large number of minors who are permitted to remain in public places and establishments at night in the absence of adult supervision has, in part, caused this increase in crime rate in the municipality,” nakasaad pa sa kautusan.

“Regulating the hours during which minors may remain in public places and certain establishments without adult supervision, and imposition of certain duties and responsibilities upon the parents or adult persons who have custody of or responsibility for minors, can reduce the amount of crime,”.

Ganun din ang mga establisyemento at videoke bars ay inatasan din na na magtakda ng oras hanggang 11:30 PM at magsara ng 1 a.m.

Maging ang mga Convenience stores at sari-sari stores ay mahigpit na ipinagbabawal na magbenta ng nakalalasing na alak mula 11:30 p.m. hanggang 4 a.m. kinabukasan.

Ang naturang kautusan ay epektibo simula noong Huwebes./Mary Anne Sapico