Bagitong parak tigok sa teroristang grupo

Bagitong parak tigok sa teroristang grupo

July 19, 2022 @ 11:41 AM 3 weeks ago


SAMAR- Nagbuwis ng buhay ang isang pulis matapos mapatay ng mga miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) habang nagsasagawa ng “humanitarian activity” ang mga kasapi ng 804th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 sa bulubunduking bahagi sa bayan ng Gandara.

Kinilala ang biktimang si Patrolman Mark Monge, 28-anyos, ng Barangay Pawing Palo, Leyte at nakadestino sa 804th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8.

Ayon kay PLt. Mark Amistoso, ng 2nd Eastern Samar Provincial Mobile Force Company, Sabado ng umaga naganap ang sagupaan sa pagitan ng San Nicolas, San Jose de Buan at Brgy. Mabuhay, Gandara, Samar.

Sinabi nito na magsasagawa sana ang kanilang tropa ng humanitarian activity kasama ang grupo ni Monge sa mga mahihirap na residente sa naturang lugar.

Pagdating sa lugar sinalubong na sila ng mga putok ng baril ng nasa 10 kasapi ng CTG na nauwi sa engkuwentro.

Tumagal ng 5-minuto ang palitan ng putok at mabilis na nagsitakas ang teroristang grupo sa direksyon ng hilagang-silangan sa nasabing lugar.

Tinamaan si Monge sa katawan at dinala sa ospital pero idineklara na rin itong patay ng umatending doctor.

Mariin naman kinondena ni Eastern Visayas Police Chief Brigadier General Bernard Banac, ang karahasan ginawa ng teroristang grupo na ikinasawi ni Monge.

“With the death of Pat Monge, we, in the PNP strongly condemn such treacherous acts made by CTG members. We will not cease in chasing the perpetrators. The CTG is one of the roots of poverty in the hinterland areas of Eastern Visayas, and this has to end. We will be more intensified in our campaign against insurgency,” ani pa ni Banac./Mary Anne Sapico