Bagitong pulis huli sa pagpapaputok ng baril

Bagitong pulis huli sa pagpapaputok ng baril

January 1, 2023 @ 4:40 PM 4 weeks ago


NUEVA VIZCAYA-Huli sa pagpapaputok ng baril isang bagitong pulis habang lango sa alak sa Brgy Tuao North, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Kinilala si Patrolman Loreto Padual Abrio, 30 anyos, may-asawa at kasapi ng PNP SAF na nakatalaga sa 145th Special Action Company, 14SAB PNP SAF sa Lamut, Ifugao ngunit residente ng Mercedes, Eastern Samar.

Isang concerned citizen ang nagpaabot ng impormasyon sa pulisya na isang lalaki na nakasuot ng sibilyan ang umano’y nagpaputok ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Sa pagresponde ng pulisya ay naaktuhan ng mga ito si Abrio na gumagala sa labas ng isang videoke bar at halatang nasa impluwensiya ng alak.

Sa ginawang pagkapkap sa pulis, dito na natukoy na bitbit nito ang isang baril na FA MASADA na may markang PNP property at may serial number na 48228376.

Narekober naman ang isang basyo ng bala ng caliber 9mm at magazine na may labing-tatlong live ammunition ng caliber 9mm na nakalagay sa kanyang sling loob.

Isasailalim naman ang pulis sa Paraffin test at Ballistics Test na ngayon ay nasa pangangalaga ng Bagabag Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon. Rey Velasco