Bago mag-hire ng COS, JOs, bakanteng posisyon sa gobyerno, punan muna-CSC

Bago mag-hire ng COS, JOs, bakanteng posisyon sa gobyerno, punan muna-CSC

July 19, 2022 @ 10:15 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Hinikayat ng Civil Service Commission (CSC) ang mga ahensiya ng gobyerno na punan muna ang mga bakanteng posisyon bago mag-hire ng contract of service (COS) at job order (JO) workers.

Ang panawagan na ito ni CSC Commissioner Aileen Lizada ay sa gitna ng rightsizing plan ng pamahalaan para makapag- save ng pondo.

ā€œThere are more or less one hundred plus thousand vacant or unfilled positions in the government bureaucracy. Baka puwede hong unang tingnan iyon kasi walang tao, pero bakit hanggang ngayon ay unfilled pa po sila?,” ayon kay Lizada.

Ang rekumendasyon ni Lizada, lusawin na ang mga vacant positions kung mananatili itong hindi napupunan.

ā€œTingnan ho nila iyong one hundred plus thousand unfilled positions instead of hiring JOs and COS to be fair to them,ā€ dagdag na pahayag ni Lizada.

Aniya, suportado ng CSC ang anumang hakbang na makapagbibigay katiyakan sa epektibong public service, kabilang na ang rightsizing plan.

“Rightsizing is designed to arrive at the appropriate structure and size of government agencies that will be responsive in the delivery of public goods and services,” ayon kay Lizada.

Sa Senate bill hinggil sa rightsizing na inihain noong 18th congress, “ā€˜rightsizingā€™ is a measure to rationalize the operations of offices from and among various government offices having related functions through streamlining of the position in any government bureaucracy aimed at enhancing the governmentā€™s institutional capacity to improve public service delivery.”

Samantala, tiniyak naman ni Lizada na pag-aaralqng mabuti ng CSC ang anumang panukalang batas hinggil sa rightsizing sa burukrasya at magbigay ng inputs para sa kapakanan ng mga civil servants at epektibong delivery of service sa publiko dahil ito ang kanilang “primordial considerations.” Kris Jose