‘BaGo’ tandem sa Halalan 2020, kasado na

‘BaGo’ tandem sa Halalan 2020, kasado na

October 15, 2021 @ 6:57 PM 1 month ago


Manila, Philippines = Ipinahayag ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) nitong Biyernes na “100 percent final” na ang tambalan nina Senators Ronald “Bato” dela Rosa and Christopher Lawrence “Bong” Go sa pagka-presidente at bise sa darating na halalan sa Mayo 9, 2022.

 Sinabi ni PDP-Laban secretary-general Melvin Matibag sa Friday News forum na sina dela Rosa at Go ang nananatiling opisyal na kandidato ng Partido sa dalawang pinakamataas na posisyon sa bansa para sa eleksyon sa susunod na taon.

“I will base my answer on the present situation which is today. So if you’re asking today, ang isasagot ko today [is] I am certain that it is 100 percent sure that our tandem is Bato-Go, president and vice president,” tugon ni Matibag nang tanungin tungkol sa tambalan nina dela Rosa at Go.

Sina Go at Pangulong Rodrigo Duterte ang orihinal na nominado ng PDP-Laban sa pagka-presidente at bise president.

Ngunit nitong Oktubre 2 ay inanunsyo ni Pangulong Duterte na magreretiro na siya sa politika pagkatapos ng kanyang termino sa Hunyo 2022.

Samantala, tinanggihan naman ni Go ang alok ng PDP-Laban na sya ang maging standard bearer at sa halip ay napagdesisyunan niyang tumakbo bilang bise president sa ilalim ng Partido.

Ginulat naman ni dela Rosa ang marami nang mag-file ito ng certificate of candidacy sa pagka-presidente sa ilalim ng PDP-Laban nitong Oktubre 8, ang huling araw ng filing.

Subalit para sa ilan, “pamalit” lamang siya kay Davao City Mayor Sara Duterte na paulit-ulit tumanggi sa alok na tumakbo sa pagka-presidente sa kabila ng suporta ng marami sa bagay na ito.