Bagong album ng BTS, ilalabas na!

Bagong album ng BTS, ilalabas na!

May 5, 2022 @ 11:57 AM 3 weeks ago


Seoul, South Korea – Mga miyembro ng ARMY dito sa Pilipinas, simulan n’yo nang mag-ipon ng pera para ipambili ng bagong album ng idolo n’yong K-pop band na BTS.

Nakatakdang maglabas ng album ang kinikilalang pinakasikat na banda sa buong mundo. “Proof” ang titulo ng album na sa Hunyo ng taon na ito nakatakdang lumabas.

Ita-timing ang paglabas ng album sa ikasiyam na anibersaryo ng BTS.

Ang titulo nitong “Proof” ay batay sa orihinal na Korean name ng band: “Bulletproof Boy Scouts (Bangtan Sonyeondan).”  Batay na rin ito sa iconic song series nilang “We Are Bulletproof.”

Ano ba ang magiging laman ng album?

Ayon sa pahayag ng BigHit Music, ang managing compny ng grupo:  “The BTS anthology album that embodies the history of BTS will be released as they begin a new chapter as an artist that has been active for nine years to look back on their past endeavors.”

Bongga ang “Proof.” Pahayag pa ng BigHit Music sa Waveverse (katumbas ng Facebook sa South Korea):  It will include three CDs worth of tracks including three all-new songs.”

In a separate statement, BigHit said “Proof” will come in a standard and compact version.

Pre-orders open today, Thursday.

BTS debuted in 2013 and currently has nine studio albums and seven mini-albums under their name, including the “Love Yourself” series , “Map of the Soul: 7,” and “BE.” Danny Vibas