Bagong album ng Little Mix, paparating na!

Bagong album ng Little Mix, paparating na!

July 30, 2018 @ 11:07 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Excited nanaman ang mga fans dahil dalawang araw nalang ay matatapos na ang recording session ng British girl group na Little Mix para sa kanilang upcoming 5th album.

Inanunsiyo ni Jade Thirlwall ang kapana-panabik na balita via instagram Q&A kung saan kinumusta ng isang fan ang susunod na album release nila.

 

Gaya ng pinangako ng grupo, tungkol sa women empowerment ang mga kanta sa bago nilang album.

 Ilan sa mga rumored na tracks sa album ay may title na “Motivate” at “ Woman’s World”.

Unang nakilala ang grupong Little Mix noong 2011 sa ika-walong series ng UK version ng The X Factor. Ang girl group ang unang grupong nanalo sa kompetisyon na sinundan ng pagpirma nila sa record label na Syco Music ni Simon Cowell at nakapag-release rin sila ng cover ng Cannonball ni Damien Rice bilang winner single.

Kabilang sa mga miyembro ng grupo ay sina Jade Thirlwall, Perrie Edwards, Leigh-Anne Pinnock, at Jesy Nelson. Remate News Team