Bagong album ni Juan Karlos na ‘Diwa’, inilabas na

Bagong album ni Juan Karlos na ‘Diwa’, inilabas na

March 25, 2020 @ 12:50 PM 5 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines — Inilabas ni Juan Karlos Labajo ang bagong album niya na pinamagatang “Diwa”.

Tampok sa album na ito ang collaboration ni Gloc-9, na available na sa Spotify, Apple Music, at sa iba pang pangunahing digital streaming platforms.

Ito rin ang una niyang album sa bago nitong label na MCA Music, at sinabi niyang binigyan siya at ng kanyang banda ng kalayaan “do whatever we want without context, to be more experimental and different.”

“Diwa is a product of passion while having fun,” ani Labajo.

Mayroong 10 kanta sa “Diwa”, at kabilang dito ang awiting “Kalawakan,” na sinulat niya para sa nobyang si Maureen Wroblewitz, at collab song na “Sampaguita” kasama si Gloc-9. Remate News Team/MM


  •  
  •  
  •  

Loading...