Bagong alert level system irerekomenda ng DOH

Bagong alert level system irerekomenda ng DOH

November 22, 2022 @ 3:52 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Magrerekomenda ng bagong alert level system ang Department of Health (DOH) na magsisilbing babala sa publiko sa gitna ng pagpapagaan sa COVID-19 restrictions sa bansa.

Sinabi ni Health OIC Maria Rosario Vergeire sa press briefing na ang kasalukuyang level system ay base pa rin sa risk case classification at healthcare utilization rate sa isang lugar.

Gayunman, ipiprisinta ng DOH sa pulong kasama ang Inter-Agency task Force for Management and Emerging Infectious Diseases (IATF) sa Disyembre 5 ang revised alert level system na kahalintulad sa tropical cyclone warning system ng PAGASA.

Ipinaliwanag ng health OIC na ito ay isang panukalang alert system at hindi na ipaaalam sa publiko ang mga paghihigpt na itinakda sa isang lugar sa ilalim ng isang partikular na antas ng alerto, ngunit sa kung paano sila dapat kumilos batay sa kanilang matalinong desisyon sa COVID-19.

Ayon kay Vergeire, sakaling aprubahan ito ng IATF, kanila naman itong ipiprisinta sa Office of the President. Jocelyn Tabangcura-Domenden