Bagong alkalde ng Silang nanumpa na sa pwesto

Bagong alkalde ng Silang nanumpa na sa pwesto

June 27, 2022 @ 12:45 PM 2 months ago


CAVITE – Nanumpa na sa panunungkulan si Atty. Alston Kevin Amutan Anarna  bilang bagong alkalde ng munisipalidad ng Silang, nitong Hunyo 25 sa Nuestra Señora de Candelaria Church.

Bagito sa pulitika si Anarna pero tinalo niya ang pamilyang nanunungkulan sa Silan ng halos tatlong dekada.

SiAssociate Justice of the Supreme Court Mario V. Lopez ang nagpasinaya sa kanyang oath taking na sinaksihan naman ng kanyang pamilya at ni  Cavite Provincial Governor Juanito Victor “Jonvic” Remulla.

“Malaki ang aking pasasalamat sa mga minamahal kong kapwa Silangueño dahil pinayagan nila akong manguna para sa pagbabago dito sa Silang. Ang pagkapanalo ko sa nakaraang halalaan ang isang malakas na mensahe ng aking mga kababayan na gusto nila ng galing, husay, talino at malasakit,” anang mayor-elect.

Sa Hulyo 1 na pormal na uupo si Mayor-elect Atty. Anarna at papalita si outgoing Mayor Socorro Poblete. Nakaupo ang mga Poblete bilang local chief executive ng Silang mula pa noong 1995.

“Tatlong taon na kami magkasama ni Kevin at nang inimbitahan niya ako dito sa kanilang panunumpa, agad kong pinagbigyan dahil alam kong nanindigan ang mga Silangueño para sa pagbabago,” ani Gov. Remulla.

Pinasalamatan naman ng mayor-elect ang Silangueños at ipinangako ang maayos na pagpapatakbo sa lokal na pamahalaan.

“Sa ilalim po ng aking pamumuno, wala na pong kulay ang pulitika – walang blue or pink o kung ano pa mang political affiliation. Puti nalang ang kulay natin para walang bias at tayo as iisa,” ani Atty. Anarna sabay sabing, “Kaya po pinakikiusapan ko ang ating mga kapitan ng barangay at mga kawani ng lokal na pamahalaan na iwaksi na po natin ang  pulitika. Tapos na po yun. May nanalo na. Ngayon naman, oras na para magtrabaho at ibalik sa mamamayang Silangueño ang serbisyong publiko na nararapat.”

Kabilang naman sa mga sinigurong ipaprayoridad ni Anarna ay ang pagpapaganda ng gma serbisyon ng lokal na gobyerno, isang weekly caravan sa iba’t ibang barangay para sa mas madaling access sa social at medical benefits, ang redevelopment ng Silang Public Market at ang pagpapaganda ng waste management collection ng munisipalidad. RNT