Bagong appointees sa gov’t agencies, inanunsyo ng Malakanyang

Bagong appointees sa gov’t agencies, inanunsyo ng Malakanyang

March 10, 2023 @ 3:36 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Muling nag-anunsyo ang Malakanyang ng mga bagong appointments sa ilang departmento sa ilalim ng  administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Base sa listahan na ipinalabas ng  Presidential Communications Office (PCO), ang bagong  appointments ay para sa Department of Agriculture (DA), Department of Energy (DOE), Department of Justice (DOJ), Department of Migrant Workers (DMW), Department of Transportation (DOTr), Government Service Insurance System (GSIS), at National Tobacco Administration (NTA).

Kabilang sa mga bagong appointees sa ilalim ng  DA ay sina Noel Padre bilang Assistant Secretary at Vener Dilig bilang  Director III.

Samantala, itinalaga naman si Remelyn Recoter bilang Director IV at Antonieta Arceo bilang Director III ng Agriculture Training Institute ng  DA.

Itinalaga rin ni Pangulong Marcos sina  Ma. Angela Ignacio at Froilan Tampinco  bilang acting members ng  board of directors ng Philippine National Oil Company Exploration Corp. para sa  energy sector.

Para naman sa  DOJ, itinalaga ng Chief Executive si Dennis Arvin Chan  bilang  Chief State Counsel.

Itinalaga naman ni Pangulong Marcos sina Liza Alcera, Maria Bernardine Madamba, at Eric Dollete bilang  Director III ng DMW.

Sa ilalim ng Clark International Airport Corp. ng DOTr, itinalaga ng Pangulo si  Joshua Bingcang bilang acting president, chief executive officer, at board member, habang sina Dante Francis Ang II, Monico Puentevella Jr., at Julius Raboca ay itinalaga naman bilang acting members ng  board of directors.

Sa ilalim ng  GSIS, itinalaga naman ng Pangulo si Evelina Guevara-Escudero bilang miyembro ng board of trustees, kakatawan sa leading organizations o associations ng government employees o retirees, habang itinalaga naman si Jose Arnulfo Veloso bilang board member, kakatawan sa “banking, finance, investment, at insurance sectors.”

Samantala, itinalaga naman ng Pangulo si  Luzviminda Padayao  bilang acting member ng board of directors ng  NTA na kakatawan sa  tobacco farmers sector. Kris Jose