Bagong back-up system para sa PH air traffic management, inihirit ng DOTr

Bagong back-up system para sa PH air traffic management, inihirit ng DOTr

January 3, 2023 @ 6:48 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inirekomenda ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang paglalagay ng bagong back-up system para sa air traffic management system ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Sinabi ni Bautista na iminungkahi niya ito nang tawagan ang Pangulo nitong Linggo ng hapon matapos maayos ang technical glitch sa CAAP-run air traffic management at bumalik sa normal ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

“I mentioned to the President that we really need a back-up system that will be put up in a different location,” sabi ni Bautista.

Kasalukuyang nakadepande ang CAAP-run Air Traffic Management Center (ATMC) sa dalawang major power sources– ang commercial power source mula sa Manila Electric Company (Meralco) at ang standby generator na kayang paganahin nang 24/7 ang buong sistema kahit walang power mula sa commercial source.

Binigyang-diin din ni Bautista na kailangan ng panibagong back-up system para sa “worse case scenario” para hindi na maulit ang insidente na pumaralisa sa operasyn sa NAIA noong Enero 1.

“We will conduct a feasibility study and present this to NEDA (National Economic Development Authority),” ani Bautista.

“This is an important system and the Philippine aviation sector must have this,” dagdag niya.

Nauna nang inihayag ni CAAP Director General Manuel Tamayo na kailangan ng modernisasyon sa ATMC, at sinabing outdated ang kasalukuyang sistema. RNT/SA