Bagong bagyo, papasok sa PAR sa linggo

Bagong bagyo, papasok sa PAR sa linggo

July 5, 2018 @ 4:15 PM 4 years ago


Manila, Philippines – May panibagong bagyo ang inaabangan na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa araw ng Linggo o Lunes.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Service Administration (PAGASA), sa Hilagang hangganan ng PAR nakita ang bagyong may international name na “Maria”.

Sa pagtaya ng PAGASA, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 2,210 kilometro Silangan ng Visayas.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong Kanluran-Hilagang-Kanluran at tatawagin na ‘Gardo’ pagpasok ng PAR na inaasahang magpapaibayo sa hanging Habagat kahit hindi tatama sa anumang kalupaan. (Jeff Gallos)