Bagong batas rekisitos sa pagtataas ng minimum wage ng gov’t workers – DBM

Bagong batas rekisitos sa pagtataas ng minimum wage ng gov’t workers – DBM

November 24, 2022 @ 6:12 PM 6 days ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) nitong Huwebes na nangangailangan na magpasa ng bagong batas upang maitaas ang minimum wage ng government employees.

Ilang grupo ang umapela ng minimum monthly salary na P33,000 para sa state employees sa gitna ng patuloy na pagtaas sa presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Naiulat na kumikita ang minimum wage earners sa pamahalaan ng P12,517 kada buwan.

Bilang tugon, sinabi ng DBM na “the increase in salary for government workers is carried out through a legislative measure.”

“Once House or Senate bills are filed, the DBM provides comments, input, and recommendations,” ayon pa sa departamento.

Gayunman, inihayag ng DBM na ang huling last tranche ng modipikasyon ng salary schedule para sa civilian personnel alinsunod sa Republic Act 11466, o Salary Standardization Law V, ay ipatutupad sa 2023.

 “Hence, the government employees concerned will have another salary adjustment by next year,” anito.

Sa ilalim ng fiscal year 2023 National Expenditure Program (NEP), sinabi ng DBM na naglaan ito ng halos P47 million sa ilalim ng Governance Commission for GOCCs (GCG) budget upang suportahan ang pagsasagawa ng pag-aaral sa government compensation structure ng iba’t ibang national government agencies at GOCCs, “to… ensure that the compensation of all civilian personnel will be generally competitive with those in the private sector doing comparable work to attract, retain, and motivate a corps of competent and dedicated civil servants.”

“Parallel to this effort, the DBM, as directed by the Budget Secretary, is also undertaking a review of the rates of the existing benefits being provided to qualified government employees in order to assess if these may need adjustment in the future,” anito.

Sa pagbibigay ng gratuity pay sa job order at contract ng service workers, inihayag ng DBM na inihahanda nito ang kaukulang executive issuance para rito, na ieendorso nito sa Office of the President para sa konsiderasyon. RNT/SA