Bagong batch ng beep cards dumating na sa bansa

Bagong batch ng beep cards dumating na sa bansa

December 23, 2022 @ 6:03 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Dumating na sa bansa ang karagdagang batch ng mga beep cards kasunod ng ilang buwan na kakulangan sa mga nabibiling stored value cards (SVC) sa mga sakayan partikular na sa LRT at MRT.

Ito ang sinabi ng Department of Transportation (DOTR) nitong Biyernes, Disyembre 23 kung saan matatandaan na noong Agosto ay inanunsyo ng ahensya ang shortage sa naturang card.

Paliwanag naman dito ng beep card provider na AF Payments Inc. (AFPI), dahil ito sa kakulangan din ng electronic chips sa global market.

“Our concessionaire, AFPI, was able to deliver a fresh batch of beep cards. Kasi remember, the pandemic and the geopolitical disturbance in Ukraine and in Russia affected the availability of certain rare earth metals needed to manufacture chips,” pahayag ni DOTr undersecretary Timothy John Batan sa panayam ng ANC.

Hindi naman tinukoy ni Batan kung kailan dumating ang mga naturang batch ng beep cards.

“We encourage our passengers and commuters to still, kahit na mayroong fresh supply, please still protect your beep cards, sayang naman. That’s a stored value, parang na rin siyang ATM card,” paghimok ni Batan. RNT/JGC