Bagong batch ng marinero, binakunahan sa Taguig

Bagong batch ng marinero, binakunahan sa Taguig

July 6, 2021 @ 5:55 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Bilang pagkilala sa mga kabayanihan ng mga manlalayag na mga Filipino sa  kontribusyon sa bansa ay binakunahan ang 500 na marinero sa lungsod ng Taguig ngayong araw.

Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano ang mga manlalayag ang nagdadala ng mga pangangailangan ng bawat mga bansa sa buong mundo tulad ng mga pagkain, mga gamot at mga equipment na kailangan ngayong pandemya kung kayat kinikilala ng Lokal na Pamahalaan ng Taguig ang sakripisyo ng mga ito.

Nauna ng nabakunahan ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang 500 marinero nitong nakaraang International Seafarer’s Day sa Lower Bicutan Mega Vaccination Hub.

Bukod kay Mayor Lino Cayetano nakatakdang dumating mamaya sina Taguig 1st District Representative at dating House Speaker Alan Peter Cayetano, Taguig 2nd District Representative Lani Cayetano, Senadora Pia Cayetano, Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, DOLE Secretary Silvestre Bello III at Testing Czar Secretary Vince Dizon. RNT