Bagong BJMP spox, pinangalanan

Bagong BJMP spox, pinangalanan

January 16, 2023 @ 9:48 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nitong Linggo na may bago itong tagapagsalita.

Itinalaga si Jail Chief Inspector Jayrex Joseph Bustinera bilang bagong BJMP spokesperson, kapalit ni Jail Superintendent Xavier Solda na itinalaga sa BJMP Region 9.

Bago ang appointment bilang spokesperson, pinangunahan ni Bustinera ang Community Relations Service Office ng BJMP national headquarters at nagsilbing chief of staff ng Center for Jail Excellence and Strategy Management.

Mayroon siyang degree sa Public Safety mula sa Philippine National Police Academy Class of 2008 at Master in Development Management sa Asian Institute of Management noong 2016.

Kamakailan lamang ay nagsilbi siyang Warden ng Marikina City Jail – Male Dormitory kung saan itinatag niya ang “Barangayanihan Initiative,” isang BJMP community-based aftercare program para sa persons deprived of liberty at kanilang mga pamilya. RNT/SA