Bagong botante higit 1.3M na-Comelec

Bagong botante higit 1.3M na-Comelec

July 18, 2022 @ 9:17 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa 1,307,593 ang bilang ng mga bagong voter registrants noong Hulyo 15, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong Linggo.

Sa ibinahagi ni acting Comelec  Spokesperson Rex Laudiangco, na nationwide consolidated report,  863,078 sa mga bagong botante na ito ay nasa edad 15 hanggang 17; 435,266 ay nasa edad 18 hanggang 30; habang 72,249 ang nasa edad 31 pataas.

Ayon sa Comelec,  nakapagproseso na ng kabuuang 1,805,272 na aplikasyon noong Biyernes, ang ika-11 araw ng patuloy na pagpaparehistro ng mga botante.

Kasama rito ang reactivation, correction of entries, transfer of voter registration, at transfer mula overseas voting sa local voting.

Ipinagpatuloy ng Comelec ang rehistrasyon ng mga botante noong Hulyo 4, bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections na nakatakda sa Disyembre 5, 2022.

Ang patuloy na pagpaparehistro ng botante ay tatakbo hanggang Hulyo 23, 2022. Jocelyn Tabangcura-Domenden