Bagong buwis, taas-VAT itinutulak ng DOF pambayad utang ng Pinas

Bagong buwis, taas-VAT itinutulak ng DOF pambayad utang ng Pinas

May 26, 2022 @ 11:43 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ipinanukala ng Department of Finance (DOF) ang bagong buwis, ipagpaliban ang personal income tax reductions, at palawakin ang Value-Added Tax (VAT) coverage, kabilang sa mga hakbang para makatulong na mabayaran ng bansa ang lumalaking utang nito.

Habang naghahanda ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na i-turn over ang panunungkulan sa pamahalaan at sa bansa kay presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, sinabi ng DOF na ang mga hakbang na ito ay “critical.”

Sa “Proposed fiscal consolidation and resource mobilization plan” ng DOF, sinabi ng departamento na ang bagong tax measures ay naglalayon na makapag-generate ng average na P349.3 bilyong piso sa bagong mga buwis mula 2023 hanggang 2027.

Nakatakda namang i-take over ni Marcos ang panunungkulan sa bansa na mayroong sovereign debt na pumalo na sa P12.68 trilyong piso nitong Marso.

“The debt-to-GDP ratio meanwhile has risen to 63.5 percent, which is higher than the internationally prescribed best practice of 60 percent, ” ayon sa DOF.

“The new measures–which include a carbon tax, taxes on motorcycles, single-use plastics, and cryptocurrencies–aim to to reverse in a span of 10 years the additional P3.2 trillion debt incurred by the government due to the COVID-19 pandemic,” ayon pa rin sa DOF.

“Pursuing the fiscal consolidation and resource mobilization program as proposed will help us continue to spend on socioeconomic programs, maintain our credit ratings, and grow out of our debt,” ayon sa ipinalabas na kalatas ni Finance Secretary Carlos Dominguez III.

Aniya pa, kapag wala ang mga hakbang na ito, kailangan nang tapyasan ng pamahalaan ang paggastos sa socioeconomic programs o bayaran ang mga pagkakautang sa pamamagitan ng paghiram ng pera.

Ang babala naman ni Dominguez, maaari aniya itong mauwi sa “cascading effects on interest payments that could also ultimately force budget cuts and stifle economic growth.”

Sinasabing dahil sa COVID-19 pandemic, napilitan ang pamahalaan na umutang karagdagang P3.2 trillion bukod pa sa naka-programa na P9.9 trillion.

“To pay this extra debt, the government needs to raise at least P249 billion every year in incremental revenues for the next 10 years,” ayon sa DOF, tinukoy ang data mula sa Bureau of Treasury.

“The measures proposed by the DOF are estimated to yield an average of roughly P284 billion every year for the national government,” dagdag na pahayag nito. RNT