Bagong CA justice itinalaga ni PDu30

Bagong CA justice itinalaga ni PDu30

January 21, 2022 @ 6:00 PM 8 months ago


MANILA, Philippines-Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si dating Bangko Sentral ng Pilipinas Executive Director Jennifer Joy Chua Ong bilang Associate Justice ng Court of Appeals (CA).

Sa panahon na itinalaga si Justice Ong, siya ay Undersecretary ng Office of the Appointments Secretary ng Office of the President.

Si Justice Ong ay nanumpa sa kanyang tungkulin nitong Biyernes, kay Chief Justice Alexander G. Gesmundo sa session hall ng Korte Suprema. Pinalitan niya si retired Associate Justice Ma. Luisa Q. Padilla.

Si Ong na mula sa Davao City, ay nakakuha ng law degree mula sa Ateneo de Manila University.

Ang appointment papers ni Ong ay ipinadala ni Executive Secretary Salvador C. Medialdea kay Chief Justice Gesmudo. Kris Jose