Bagong Charlie’s Angels, kilalanin!

Bagong Charlie’s Angels, kilalanin!

July 6, 2018 @ 7:32 AM 4 years ago


 

Handa na ba kayong marinig muli ang “Good morning, angels”? at makapanuod ng mga astig na galawan mula sa mga “Angels”?

Say no more! Dahil pumirma na si Elizabeth Banks para maging director at producer ng reboot ng pelikulang Charlie’s Angels.

Ito na ang pangalawang movie na ididirek ni Elizabeth matapos ang Pitch Perfect noong 2015. Napapabalita rin na siya ang gaganap bilang Bosley sa movie, assistant ni Charlie.

Hindi lamang ito ang magandang balita dahil pinangalanan na rin ang mga aktres na gaganap bilang “Angels”, private investigators ng hindi pinapakitang millionaire na si Charlie, sa movie.

Noong nakaraang taon, naging matunog ang pangalan ni Kristen Stewart bilang isa sa “Angels” pero ngayon ay kumpirmado na ang kaniyang pagsama sa upcoming film.

Sasamahan naman siya ni Power Rangers star Naomi Scott na kumpirmado na ring magiging parte ng pelikula.

Si Lupita Nyong’o naman ay napabalitang nakikipagnegosasyon pa para kumpletuhin ang “Angels.”

Aabangan ang upcoming film sa mga sinehan sa June 7, 2019.

Ang Charlie’s Angels ay binase sa TV series na may kaparehong title na gawa nina Ivan Goff and Ben Roberts. Kabilang sa mga gumanap bilang “Angels” ay sina  Cameron DiazDrew Barrymore, and Lucy Liu noong 2000. (Remate News Team)