Bagong charter ng Landbank lusot sa Kamara

Bagong charter ng Landbank lusot sa Kamara

January 26, 2022 @ 12:14 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Representatives ang panukalang magbibigay daan para magkaroon ng bagong charter ang Land Bank of the Philippines.

Sa botong 150 pabor at walang pagtutol ay pasado na ang House Bill 10581 na magtatakda sa Landbank bilang government financial institution na tutuok sa agricultural at rural development.

Sa ilalim ng panukala ay maglalaan ang Landbank ng 5 percent sa kanilang regular loan portfolio para sa socialized credit sa mga kwalipikasong magsasaka, mangingisda atagrarian reform beneficiaries (ARBs) for purposes of financing agricultural projects.

Papayagan din ang Landbank na mag-isyu ng lahat ng klase ng bonds, debentures, securities, collaterals pagbibigay ng voting power sa Pangulo ng Pilipinas para sa  common shares ng  national government.

Binibigyan din ng kapangyarihan ang  board of directors na gumawa at magrebyu ng kanilang sariling organizational structure, staffing pattern ,  qualification standards;  mag reorganize, restructure o  realign ng kanilang functions para sa ikabubuti ng banko.

Ang boars of directors na din ang magdedesisyon sa pagbuo ng  separation plan para sa kanilang mga empleyado. Gail Mendoza