Bagong CHR chief itinalaga na

Bagong CHR chief itinalaga na

February 17, 2022 @ 7:26 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Ipinakilala ng Commission on Human Rights (CHR) ang kanilang bagong komisyuner na si dating Justice Undersecretary Leah Tanodra-Armamento.

Papalitan ni Tanodra-Armamento si Jose Luis Martin “Chito” Gascon, pumanaw dahil sa COVID-19 noong Oktubre ng nakaraang taon. Magsisilbi ang una sa “unexpired term” ng namayapang Gascon.

Ang bagong CHR head ay bahagi ng Fifth Commission en banc at nasa government service ng tatlong dekada.

Bago pa ang kanyang trabaho sa CHR, si Tanodra-Armamento ay associate solicitor sa Office of the Solicitor General sa loob ng limang taon, tinatrabaho niya ang mga kaso ng unlawful detention.

Inilipat siya sa Department of Justice (DOJ) at sa kalaunan ay naging assistant chief state prosecutor noong 2003. Hindi nagtagal ay itinalaga siya bilang DOJ undersecretary.

Noong panahon nang kanyang pamamalagi sa DOJ, binuo niya ang Task Force on Agrarian Justice at bumuo ng guidelines sa paghawak ng agrarian dispute-related criminal complaints.

Naging chairperson din siya ng legal panel ng pamahalaan noong panahon ng “1996 review of the implementation” ng final peace agreement sa pagitan ng Estado at Moro National Liberation Front.

Nakamit naman ni Tanodra-Armamento ang kanyang law degree mula sa Ateneo De Manila University School of Law.

Kasama rin siya sa Harvard University’s John F. Kennedy School of Government noong 2007. Kris Jose