Bagong CHR chief sa human rights situation sa Pinas: ‘Fine and fair’

Bagong CHR chief sa human rights situation sa Pinas: ‘Fine and fair’

September 29, 2022 @ 10:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tinawag ni Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Richard Palpal-latoc nitong Miyerkules ang human rights situation sa Pilipinas na “fine” at “fair.”

“Fine. The human rights situation in the country I think it’s fair, the justice system is working, human rights as the agency itself is functioning well, so we keep on monitoring the compliance by the government of the international commitment,” pahayag niya.

Ito ang opinyon ni Palpal-latoc sa kasalukuyang hindi pagkakasundo ng Department of Justice at ng International Criminal Court (ICC) ukol sa drug war probe ng huli sa bansa.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi kailangang pormal na tumugon ng bansa sa pagpipilit ng ICC prosecutor na ituloy ang imbestigasyon dahil tumiwalag na ang Pilipinas sa ilalim ng termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. RNT/SA