Bagong city admin ng Sto. Tomas, Batangas nakaligtas sa ambush

Bagong city admin ng Sto. Tomas, Batangas nakaligtas sa ambush

July 19, 2022 @ 9:10 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakaligtas ang bagong city administrator ng Sto. Tomas, Batangas sa ambush kung saan dalawang bala ang muntikan nang tumama sa kaniyang ulo at sikmura.

Papunta sana ang biktimang si Engineer Severino Medalla, sakay ng minamanehong pickup truck, para magdala ng gamit sa munisipyo nitong Sabado nang paputukan siya  sa Barangay Sta. Anastacia.

Ayon kay Medalla, dating tserman ng Sta. Anastacia, at dating presidente ng Liga ng mga Barangay, inakala niya noong una na may sumabog lang na gulong nang marinig niya ang putok.

Pero nagulat siya nang makita niyang nabasag ang salamin ng bintana ng kaniyang sasakyan.

Mabilis namanng nakatakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon laban sa mga suspek. RNT