Bagong Comelec Chairman Garcia nagpasalamat kay PBBM

Bagong Comelec Chairman Garcia nagpasalamat kay PBBM

August 1, 2022 @ 6:30 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Pinasalamatan ni Comelec Chairman George Erwin Garcia sa tiwala at pagtitiwala na ibinigay sa kanya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr kasunod ng kanyang pagkakatalaga.

Sinabi ni Garcia ay isang pribilehiyo na pamunuan ang komisyon sa konstitusyon na nagbibigay-daan sa karapatang bumoto.

“As I have said before, given the chance and choice, I will always choose to serve in the Commission on Elections,” bahagi ng inilabas na pahayag ni Garcia.

“Under my watch, the Comelec will aim for meaningful reforms that will resolve issues identified by stakeholders and the voting public,” aniya pa.

Kabilang aniya dito ang mga istrukturang reporma na magpapalakas ng mabuting pamamahala batay sa pananagutan, transparency, at integridad.

Tiniyak din ni Garcia na mananatili siyang walang kinikilingan at independyente bilang isang Comelec Chairman, kung saan ang kagustuhan ng mga tao ang magiging Supremo na batas. Jocelyn Tabangcura-Domenden