Bagong Comelec commissioner nanumpa na

Bagong Comelec commissioner nanumpa na

October 9, 2022 @ 9:18 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nanumpa sa harap ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang bagong talaga bilang Commission on Elections Commissioner na si Ernesto Maceda Jr.

Si Maceda ay itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang ad interim Comelec Commissioner noong Oktubre 3.

Mainit naman itong tinanggap ni Comelec Chair George Erwin Garcia na inilarawan bilang isang beteranong election lawyer at election law professor.

Si Maceda rin ayon sa Comelec ay isang constitutionalist at pinagkakatiwalaan personalidad sa akademya.

Sa ngayon ay nagtuturo ito sa Ateneo law School. Nagturo rin siya ng election law, administrative law at constitutional law subjects sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Far Eastern University at Arellano University.

Maliban dito, siya rin ay Master of Laws thesis professor sa PLM Graduate School of Law at naging Dean ng PLM College of Law mula 2006 hanggang 2015.

Nagtapos si Maceda sa Ateneo Law School, LL.B. at nasa ika-19 na pwesto sa 1989 Bar Exam.

Nakakuha rin siya ng LL.M mula Columbia University at kasalukuyan candidate para sa Doctor of Public Administration sa University of the Philippines NCPAG. RNT/JGC