Bagong COVID-19 variant nadiskubre sa South Africa —scientists

Bagong COVID-19 variant nadiskubre sa South Africa —scientists

November 26, 2021 @ 7:13 AM 2 months ago


JOHANNESBURG, South Africa — Mayroong bagong strain ng COVID-19 variant ang na-detect ng mga siyantipiko sa Saouth Africa kung saan mayroon na itong multiple mutations.

Dagdag pa ng mga eksperto na ito ang dahilan ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

“Unfortunately we have detected a new variant which is a reason for concern in South Africa,” ani virologist Tulio de Oliveira sa isang news conference.

May scientific lineage number B.1.1.529 ang nasabing variant at “has a very high number of mutations,” dagdag pa ni Oliveira.

“It’s unfortunately causing a resurgence of infections,” giit pa niya.

Ang nasabing bagong variant ay na-detect din sa Botswana at Hong Kong mula sa mga South Africa travelers, dagdag pa ng eksperto.

Sinabi naman ni Health Minister Joe Phaahla na ang bagong variant ay “serious concern” at nasa likod ng “exponential” na pagtaas ng kaso ng COVID.

Dagdag pa ng mga siyantipiko na mayroong hindi bababa sa 10 mutation ang B.1.1.529 variant kumpara sa Delta na mayroon lang dalawa o tatlo.

“What gives us some concerns [is] that this variant might have not just have enhanced transmissibility, so spread more efficiently, but might also be able to get around parts of the immune system and the protection we have in our immune system,” ayon naman kay researcher Richard Lessells. RNT