Bagong COVID cases, 36 lang

Bagong COVID cases, 36 lang

February 6, 2023 @ 9:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Department of Health nitong Linggo ng 36 bagong COVID-19 cases sa Pilipinas, pinakamababa mula sa 13 naiulat noong March 20, 2020- mahigit dalawang taon na ang nakalipas.

Ito ang pinakamababang tala ng bagong kaso sa loob ng 1,052 araw. Ito rin ang ika-anim na sunod na raw na mas mababa sa 200 ang naiulat na kaso.

Bumaba rin ang bilang ng active cases sa 9,378, pinakamababa sa loob ng 218 araw mula nang makapagtala ng 9,105 active cases noong July 2, 2021.

Ayon sa COVID-19 tracker ng DOH, pumalo na sa 4,073,826 ang total caseload sa bansa. Tumaas din ang total recoveries ng 217 cases sa 3,998,597, at ang death toll ng 12 sa 65,851.

Anf rehiyon na may pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay Metro Manila na may 614 cases, sinundan ng Calabarzon sa 268; Region XI sa 175; Region VI sa 151; at Region III sa 138.

Ang COVID-19 bed occupancy ay 18.4%, kung saan 4,753 beds ang okupado habang 21,049 ang bakante. RNT/SA