Bagong COVID cases bababa ‘gang 429 sa Disyembre – DOH

Bagong COVID cases bababa ‘gang 429 sa Disyembre – DOH

November 29, 2022 @ 4:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Maaring bumaba hanggang 429 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas araw-araw sa Disyembre kung magpapatuloy ang publiko sa pagsunod sa public health standards.

Sinabi ni DOH Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman batay sa FASSSTER national projections na ang aktibong kaso kada araw ay patuloy na bababa sa susunod na buwan kung ang kasalukuyang pandemic scenario at pagsunod sa health protocols ay mananatili pa rin.

Pero nagbabala si de Guzman na ang mga impeksyon ay maaring umabot ng hanggang 2,294 sa katapusan ng Disyembre kung babawasan ng publiko ang kanilang pagsunod sa minimum helath standards tulad ng social distancing at pagsusuot ng facemask lalo ngayong holiday season.

Sinabi ni de Guzman na base rin sa AuTuMn projections sa National Capital Region (NCR) na ang hospital utilization ay hindi tataas kung mapapabuti ang vaccination rate at walang variants of concern na papasok sa bansa.

Ipinaliwanag din niya na ang pagtaas ng kaso ng COVD-19 ay inaasahan dahil sa nadagdag na mobility, social gatherings, pagpapagaan ng restrictions o paghihigpit ngunit ang mga ito aniya ay hindi dapat humantong sa pagkamatay lalo na sa mga mahihinang populasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden