Bagong COVID cases sumirit sa halos 4,000-DOH

Bagong COVID cases sumirit sa halos 4,000-DOH

July 29, 2022 @ 6:54 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Huwebes ng 3,858 bagong kaso, ang pinakamataas na daily tally sa loob ng 24 na linggo, o mula noong Pebrero 10.

Ayon sa pinakahuling datos ng DOH, umabot na sa 3,764,346 ang kabuuang bilang ng mga bagong kaso sa buong bansa.

Sinabi ng DOH na tumaas din ang aktibong kaso sa 29,897, ang pinakamataas na kabuuan sa loob ng 16 na linggo, o mula noong Abril 8.

Iniulat ng National Capital Region (NCR) ang 13,135 na bagong kaso nitong nakaraang dalawang linggo, sinundan ng Calabarzon na may 8,504, Central Luzon na may 3,923, Western Visayas na may 2,465 at Central Visayas na may 1,526.

Hindi bababa sa 1,705 bagong recoveries ang nagdala ng recovery tally sa 3,673,745, habang ang bilang ng mga nasawi ay umakyat din sa 60,704.

Sinabi ng DOH na hindi bababa sa 22,932 indibidwal ang nasuri, habang 323 testing laboratories ang nagsumite ng data noong Hulyo 27.

Ang bed occupancy rate ay nasa 27.1%, habang ang bilang ng naukupahang kama ay 7,766, habang 20,933 ang bakante. Jocelyn Tabangcura-Domenden