Bagong COVID test naimbento sa Tsina; resulta sa 4 minuto lang

Bagong COVID test naimbento sa Tsina; resulta sa 4 minuto lang

February 9, 2022 @ 7:55 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng mga Chinese scientist na nakagawa sila ng bagong coronavirus test na kasing accurate nang sa PCR lab test ngunit nagbibigay ng mga resulta sa loob lang ng apat na minuto.

Ang mga pagsusuri sa polymerase chain reaction (PCR) ay malawak na itinuturing na pinakatumpak at sensitibo para sa virus na nagdudulot ng COVID-19, ngunit karaniwan itong tumatagal ng ilang oras bago lumabas ang resulta.

Bunsod nito, maraming  mga bansa ay nakaranas ng matinding backlogs sa harap ng mabigat na pangangailangan RT-PCR test.

Sa kabila nito, inanunsyo ng mga mananaliksik mula sa Fudan University sa Shanghai na mayroon silang solusyon.

Sa isang artikulo na narebyu na at inilathala noong Lunes sa journal Nature Biomedical Engineering, sinabi ng team na ang kanilang sensor—na gumagamit ng microelectronics upang pag-aralan ang genetic na materyal mula sa mga swab—ay mas mabilis na maglabas ng resulta kumpara sa ibang COVID-19 lab test.

“We implemented an electromechanical biosensor for the detection of SARS-CoV-2 into an integrated and portable prototype device, and show that it detected (virus RNA) in less than four minutes,” paliwana ng mga mananaliksik.

Sa isinagawang trial, kumuha ng sample mula sa 33 kalahik sa Shanghai na nahawahan ng coronavirus, nkung saan isinagawa rin ang PCR test sa kanila nang sabay.

Lumabas na ang dalawang resulta ng dalawang test ay magkatugma, lahad pa sa journal.

Sinabi ng mga mananaliksik ng Fudan na kapag nabuo na, ang kanilang testing device ay maaaring gamitin ito para sa mabilis na COVID-19 test sa iba’t ibang lugar, kabilang ang mga paliparan, pasilidad ng kalusugan at kahit sa bahay.

Ang mga pagsusuri sa PCR ay hindi lamang mabagal, ngunit nangangailangan din sila ng laboratoryo ng na maaaring limitado sa maraming bansa.

At habang ang mga mabilis na pagsusuri sa diagnostic ay magagamit na ngayon sa maraming bahagi ng mundo, sa pangkalahatan ay hindi gaanong tumpak ang mga ito.

Ang China ay isa sa pinakamalaking gumagawa ng coronavirus test kits sa mundo.

Ayon sa data ng customs, nag-export ito ng $1.6 bilyon na halaga ng mga test kit noong Disyembre, isang 144-porsiyento na pagtaas mula sa nakaraang buwan. RNT