Bagong defense assets ng PAF, mahalaga sa pagprotekta sa Pinas- PBBM

Bagong defense assets ng PAF, mahalaga sa pagprotekta sa Pinas- PBBM

November 9, 2022 @ 9:30 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang tinanggap na bagong ground-based air defense system (GBADS) at isang C-295 medium lift aircraft ay makatutulong sa Philippine Air Force (PAF) para palakasin ang kakayahan nito na protektahan ang teritoryo ng Pilipinas.

Sa isinagawang “formal acceptance, turnover, at blessing ceremony” sa Basa Air Base in Floridablanca, Pampanga, sinabi ni Pangulong Marcos na ang pagkuha sa GBADS at C-295 aircraft ay makapagbibigay ng malaking pagkakaiba sa pagpo-promote sa seguridad mula sa “aerial threats.”

“This is a day that is a momentous event for all of us, especially of course the Philippine Air Force, as our reason for gathering is a significant stride to our ability to shield our territories from aerial threats of different kinds, whether from inside or outside the country,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang keynote speech.

“As we accept and bless the new Ground Based Air Defense Systems and the C-295 Aircraft, I call upon our Philippine Air Force personnel to continue performing their duties. May you remain as the bastions of freedom that our ancestors have fought for and of the peace that we unceasingly have worked hard for generations to gain,” dagdag na pahayag nito.

Pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang mga bansang Israel at Spain sa pagtulong sa kanyang administrasyon na palakasin ang “defense capabilities” ng tropa ng Pilipinas para protektahan ang soberenya ng bansa.

“We must of course extend our deepest gratitude to Israel and to Spain for helping us bolster our defense systems to safeguard our sovereignty. I believe that this is a clear testament of our strong defense relations — one that we can develop in — as their Excellencies mentioned, in other areas besides defense,” wika nito.

Tinuran ng Punong Ehekutibo na mahalaga na gawing makabago ang Armed Forces of the Philippines (AFP) upang maging handa ito sa lahat ng mga kaganapan.

“It is for this reason, that we strengthen our country’s capabilities in territorial defense, counter-terrorism, and internal security. In keeping our defense systems updated with the latest technology, we fortify our capabilities to provide humanitarian assistance to respond immediately in times of calamities and disasters,” ayon kay Pangulong Marcos.

“With terrorism and external security threats brought by geopolitical tensions looming around us, around the Asia Pacific region, and around the world, it is imperative that we continue to equip and empower ourselves in whatever capacity we are able,” aniya pa rin.

Nauna rito, sinabi ni PAF spokesperson Colonel Ma. Consuelo Castillo, ang GBADS na bahagi ng Horizon 2 ng AFP Modernization Program ay makadaragdag sa Integrated Air Defense System (IADS) na isa sa pangunahing sistema ng Air Force.

Binubuo aniya ito ng SPYDER Air Defense System (SPADS) na isang mobile air at missile defense system upang protektahan ang critical installations, land-based fixed assets, mobile platforms at friendly forces mula sa aerial threats tulad ng combat aircraft, attack helicopter, unmanned air vehicles (UAVs), incoming missiles, guided munition, at rockets.

Maliban dito, maaari din itong gamitin upang i-neutralize ang aerial surveillance threats.

Iginiit ni Colonel Castillo na sa pamamagitan ng GBADS, masisiguro na maipagtatanggol ang pambansang teritoryo partikular ang mahahalagang ground assets laban sa mga kalaban. Kris Jose