BAGONG DIRECTOR, BAGONG IMAHE NG NBI, TAMA?

BAGONG DIRECTOR, BAGONG IMAHE NG NBI, TAMA?

September 13, 2022 @ 2:00 PM 2 weeks ago


KAPWA may espesyal na pagkakakilanlan sina Energy Secretary Raphael Lotilla at Energy Regulatory Commission Chairperson Monalisa Dimalanta.
Sila ang mga unang appointees sa pinakamatataas na posisyon sa sektor ng enerhiya na direktang konektado sa isang kumpanya ng kuryente, partikular na ang Aboitiz Power Corp., kung saan board director si Lotilla habang chief legal counsel naman si Dimalanta.
Binigyan ng kapangyarihan para magrekomenda, magsuri, at magpawalang-bisa ng mga prangkisa, umaasa tayong hindi nila makamit ang pagkakakilanlan bilang mga energy officials na pangunahing may pinapaboran, sa kasaysayan ng industriya.
* * *
Nanawagan si Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel Bordado Jr. – pagkatapos ma-scam para mamigay ng P10,000 sa isang poser sa pamamagitan ng GCash – sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na agad aksiyunan ang naranasang panloloko.
Matagal nang nagrereklamo ang mga karaniwang tao tungkol sa call at text scamming na nagsulputan sa kanilang mga cellphone at digital spaces.
Pero ngayong mismong kasapi na ng Kamara de Representantes ang na-scam, isang tinig sa Kongreso ang nagsasabing ang call at text scamming ay isang seryosong problema na nangangailangan ng solusyon “as soon as possible.”
* * *
Ngayong ganap nang nailuklok sa puwesto si Atty. Medardo de Lemos bilang director ng National Bureau of Investigation kasunod ng naunang kalituhan sa “senior” at “OIC” appointment ng kanyang hinalinhan, wala na dapat duda ngayon kung sino talaga ang nangangasiwa sa kawanihan mula sa itaas pababa.
Ang ibig bang sabihin nito na ang sobrang malusog na lalaki na ikinulong ninyo sa Security Management Division sa NBI Headquarters sa Maynila, at tinatawag nilang “mayores,” ay hindi na nangongolekta ng libu-libong piso sa buwanang bayarin mula sa mga kapwa bilanggo? Nagtatanong lang po.
* * *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.