Bagong DSWD chief bumisita sa pasilidad para sa vulnerable Filipinos

Bagong DSWD chief bumisita sa pasilidad para sa vulnerable Filipinos

February 7, 2023 @ 7:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Naglibot si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa ilang DSWD facilities nitong Martes sa layuning pagbutihin ang pamumuhay ng mga Pilipino sa vulnerable communities.

Larawan kuha ni Danny Querubin

Bilang bagong DSWD chief, unang bumisita si Gatchalian sa Reception and Study Center sa Bago Bantay, Quezon City kung saan mayroong 29 bata na kinabibilangan ng mga ulila, inabandona, o biktima ng pang-aabuso.

Binisita rin niya ang housing facilities para sa matatanda, persons with disabilities (PWD), mga kababaihan, at biktima ng human trafficking.

Mga larawan kuha ni Danny Querubin

Sinabing bagong social welfare secretary na bumisita siya sa mga nasabing lugar para makita at maintindihian ang pamumuhay ng marginalized sectors sa bansa, at upnag tiyakin na naibibigay ng mg kasalukuyangpasilidad ng DSWD ang kanilang pangangailangan.

“Kapag magrerescue tayo, mahalaga na dapat yung pagdadalhan sa kanila ay maayos ang living conditions,” pahayag niya.

Nang tanungin ukol sa pagpapatuloy ng frontline services ng DSWD matapos ang malaking pagbabago sa liderato, sinabi ni Gatchalian na target nilang pagbutihin pa ang mga serbisyo.

“Iyong digitalization favorite namin yan ngayon. Sa Valenzuela kasi, one of my last projects is to tap an AI bot to explain the processes. Mahirap kasi kung mamamasahe pa ang isang beneficiary tas pagdating kulang pala requirements,” paglalahad niya.

Target din umano niya na paikliin ang pila sa DSWD offices sa pamamagitan ng pagtatatag ng satellite offices, partikular sa Camanava (Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela) area, Quezon City, Marikina City, at Pasig City. RNT/SA