Bagong election system, technology tinatalakay na

Bagong election system, technology tinatalakay na

March 13, 2023 @ 4:54 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Tinatalakay ngayon ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang mga patakaran at ang mga detalye ng bagong teknolohiya na maaring gamitin sa susunod na halalan.

Sa public briefing, sinabi ni Comelec spokesperson Rex Laudiangco na isa sa pinag-uusapan ngayon ang anumang teknolohiya na mas maganda, mas mabisa at mas moderno.

“Pagsasama-samahin po namin ito bilang terms of reference at siyang gagawin natin para makapag-public bidding po tayo ng ating bagong election system,” ani Laudiangco.

Kabilang aniya sa mga isinasaalang-alang ng Comelec en banc ay ang mga teknolohiya sa ibang bansa na maaaring gamitin sa Pilipinas at ang mga teknolohiyang pamilyar sa mga Pilipino.

Sinabi pa ni Laudiangco na dadalhin nila ang kanilang plano sa modernisasyon sa Kongreso matapos makatanggap ng suporta mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Jocelyn Tabangcura-Domenden