Bagong Franchise Bill para ABS-CBN inihain sa Kamara

Bagong Franchise Bill para ABS-CBN inihain sa Kamara

August 24, 2022 @ 7:56 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Isang panukalang batas na humihiling na bigyan muli ng bagong legislative franchise ang ABS-CBN TV network ang inihain sa Kamara.

Sa House Bill 431 ni Surigao del Norte Rep Johnny Pimentel iginiit nito na malaki ang papel na ginagampanan ng news and public affairs ng ABS-CBN pagdating sa information dissemination kaya mahalagang mapagpatuloy nito ang kanilang serbisyo sa pamamagitan ng paggawad muli ng franchise to operate.

Ang legislative franchise ng TV network ay nagexpire noong Mayo 2020 at tinutulan ng Kamara at National Telecommunications Commission(NTC) na marenew ito dahilan para matigil ang pag-ere ng mga programa ng network.

Sa kasalukuyan ang ABS-CBN ay nag-ooperate sa pamamagitan ng kanilang online shows at blocktime partnerships.

June 30, 2022 nang ihain ni Pimentel ang panukala subalit ngayon lamang naupload sa House of Representatives ang kopya ng panukala, umaasa ang mababatas na 19th Congress ay pagbibigyan ng Kamara na makakuha muli ng prangkisa ang tv giant.

“The news and public affairs program of ABS-CBN serve as the only avenue for crucial and relevant information for a great number of our countrymen. It is the source of information in the most far-flung areas of our country, keeping its far-reaches up-to-date with the relevant happenings,”nakasaad sa panukala ni Pimentel. Gail Mendoza