Bagong ‘Friendster’, ginagamit sa phishing – DICT

Bagong ‘Friendster’, ginagamit sa phishing – DICT

November 30, 2022 @ 7:42 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Malaki ang posibilidad na ang bagong Friendster ay ginagamit para sa phishing.

Sa isang advisory, sinabi ng National Computer Emergency Response Team (DICT-NCERT) ng Department of Information and Communication Technology na makikita sa initial investigation na ang IP address na nagho-host ng bagong Friendster ay natuklasan na mayroong “previous reports about phishing, brute force and DDoS attacks, hacking, and host exploitations.”

“Having said that, there is a possibility that the said website is being used for phishing,” ayon sa DICT-NCERT.

Stunner, isang Facebook page, ay nag-post na ang Friendster ay nagbalik at libong katao ang lumagda para sa binuhay na social network.

Nag-update naman ng post kasama na ang babala mula sa DICT-NCERT kaugnay sa “bagong” Friendster site.

Sinabi ng DICT-NCERT na “the website uses WordPress for its main service, which is not used for social networking platforms since it is a content management system.”

Idagdag pa, sinabi ng ahensiya na ang link ay nagbibigay sa post ng paggamit ng “non-popular top-level domain (.click).”

Hindi kasama sa sinasabing bagong Friendster website ang “About Us” page, na ayon sa DICT-NCERT ay maaaring makapagbigay ng impormasyon sa kung sino ang nag-develop ng website.

Kaya nga pinayuhan ng departmento ang publiko na gawin ang mga sumusunod na hakbang sa oras na makita ang post gaya ng: “Do not click suspicious links to avoid future potential threats at Do not register on this website because your data may be compromised.”

Idagdag pa rito, “providing and capacitating employees with cybersecurity knowledge and information to minimize threats.”

Samantala, ang Phishing ay isang uri ng cyber attack na ginagamit para nakawin ang data ng isang users gaya ng passwords, at bank, o credit card information sa pamamagitan ng pangloloko o lokohin ang mga users na buksan ang link para sa isang page na nagpapanggap bilang lehitimong website. Kris Jose