Bagong gov’t body, ‘di departamento sapat na para sa sakuna – PBBM

Bagong gov’t body, ‘di departamento sapat na para sa sakuna – PBBM

July 28, 2022 @ 4:42 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sapat na ang isang bagong National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) authority o administration kaysa sa bagong departamento  para tugunan ang concerns ukol sa  calamity response.

Sa isinagawang situation briefing  matapos bisitahin ang lalawigan ng Abra, pumayag si Pangulong Marcos  sa panukala ng kanyang nakatatandang kapatid na si Senadora Imee Marcos.

Sinabi ng senadora na hindi kailangan ng bansa ang isang bagong departmento.

“We are siblings indeed, I fully agree; I did not ever, I did not ever understand the concept of a full […] department. I don’t think it needs that because you don’t really have to form policy,” ayon kay Pangulong  Marcos.

“It is just an implementation of a rescue mission or a search and rescue mission, there are many models, but the good model that I’ve seen is FEMA. And that’s only an adjunct of… Ministry of Interior yata ‘yon eh ,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Naniniwala kasi ang senadora na ang bagong ahensiya ay maaaring ilagay sa ilalim ng Office of the President para sa “quick deployment and management.”

“Mr. President, I think the report of General Torres as well (of) as our Chief of Staff merely highlights the inefficiency our system that they have to break the chain of command, they have to call on other departments, Secretary (Erwin) Tulfo has to come here, the President himself has to come here merely underlies the urgency of empowering the NDRRMC,” ayon kay Sen. Marcos  sa nasabi pa ring briefing.

“May I recommend by way of another ‘Imee Solusyon’, rather than (a) full-scale department na mauubos lang ang budget sa sahod ng limang Usec, isang katutak na Asec, can we start by an NDRRMC authority or administration, tulad ni Apo Lakay, ‘yong DBM (Department of Budget and Management) nag-umpisa bilang commission,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose