Bagong hatian ng bill, hintayin muna bago magbayad – Meralco

Bagong hatian ng bill, hintayin muna bago magbayad – Meralco

May 22, 2020 @ 7:50 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – May darating na bagong bill ang Meralco para sa mga konsyumer at ang payo ng electric company na hantayin muna ito bago magbayad.

Sa bagong bill ay mas maiintindihan umano ng mga konsyumer ng Meralco ang pagbabayad dahil nakahimay dito ang hatian ng natenggang bill sa lockdown period.

“Kasi mag-e-even out naman ‘yan para mas klaro kung ano lang ang puwedeng bayaran sa ngayon at sunod na buwan,” ani Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga.

Sa paliwananag ng Meralco, magiging batayan sa paghati ng bill ang February 2020 bill.

Kapag 200 kilowatts per hour ang konsumo noon, hahatiin ito sa anim na bayaran, ibig sabihin Hunyo 15 hanggang Nobyembre 15.

Kung ang konsumo naman ay lumagpas sa 200 kilowatts per hour, apat na hati lang ng bayaran ang gagawin, kung saan mula Hunyo 15 hanggang Setyembre 15.

Ito ay ayon sa atas ng Energy Regulatory Commission na maglabas ng hiwalay na hatian para sa mga natenggang bill ngayong lockdown.

Umani kamakailan ng iba’t ibang reaksyon ang sinasabing pagsipa ng bill sa nakonsumong kuryente nitong quarantine period. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...