Bagong House Speaker CGMA, suportado ang legislative agenda ng Pangulo

Bagong House Speaker CGMA, suportado ang legislative agenda ng Pangulo

July 24, 2018 @ 8:47 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Nangako si dating Pangulo at ngayon ay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ngayong Martes (July 24) na kaniyang susuportahan ang legislative agenda ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa House of Representatives.

“I am extremely honored to have been supported by my colleagues at the House of Representatives to be their new Speaker,” sabi ni Arroyo sa maikling statement.

“I will endeavor to carry out the legislative agenda of President Rodrigo Duterte in the Lower House.”

Pormal na pinalitan ni Arroyo, kasalukuyang congresswoman ng Pampangga, si Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez kahapon (July 23) pagkatapos ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo.

Sa 238 na miyembro ng House na nasa special session, 184 ang bumoto para sa kaniya habang 12 naman sa mga ito ang nag-abstained.

Dahil sa komosyon sa session hall, naantala ang SONA ni Duterte ng mahigit sa isang oras dahil nagsagawa pa ito ng iba pang meeting kasama sina Alvarez at Arroyo upang pag-usapan ang tungkol sa leadership row. (Remate News Team)