Bagong hybrid virus variant natagpuan sa Vietnam

Bagong hybrid virus variant natagpuan sa Vietnam

May 30, 2021 @ 9:56 AM 2 years ago


VIETNAM – Nadiskubre sa Vietnam ang bagong variant ng coronavirus disease (COVID-19) na mabilis kumalat sa hangin at kombinasyon ng India at UK variant.

“We have discovered a new hybrid variant from the Indian and the UK strains,” saad ni Health Minister Nguyen Thanh Long.

“The characteristic of this strain is that it spreads quickly in the air. The concentration of virus in the throat fluid increases rapidly and spreads very strongly to the surrounding environment.”

Sa kasalukuyan, tumataas muli ang kaso ng sakit sa Vietnam.

Hindi tinukoy ng opisyal ang bilang ng kaso ng bagong variant ngunit iaanunsyo rin ito sa publiko.

Ayon pa kay Long na mayroong pitong variant sa Vietnam bago matuklasan ang bagong variant.

Sa huling tala, wala pang isang milyon ang nababakunahan kontra COVID sa nasabing bansa na may 97 milyong populasyon.

Nananawagan na rin ng donasyon ang gobyerno nito upang makamit ang herd immunity.

Kilala ang Vietnam sa agresibong pandemic response kaya’t napanatili ang mababang kaso ng sakit. Mula sa ulat ng Agence France-Presse