BAGONG ISTRATEHIYA SA “ESTABLISHMENT INSPECTION”, INANUNSYO NG DOLE

BAGONG ISTRATEHIYA SA “ESTABLISHMENT INSPECTION”, INANUNSYO NG DOLE

February 21, 2023 @ 1:00 AM 1 month ago


MAGPAPATUPAD ang Department of Labor and Employment ng isang pamamaraan para sa pag-inspeksyon ng mga pribadong establisimyento na tinawag nitong TAV o ang technical advisory visits.

Sa TVA ay mas bubusisiin ng inspektor ang pagsunod ng mga kompanya sa tamang oras ng trabaho, pagbabayad ng tamang benepisyo, at akmang occupa-tional safety and health ng    mga manggagawa.

Ibinahagi ito ni DOLE secretary Bienvenido Laguesma sa kanyang pagsasalita sa labor inspection summit na ginanap kamakailan sa Philippine International Con-   vention Center sa Pasay City kaugnay sa pagbabalik ng labor inspection sa mas recalibrated na pamamaraan.

Hinikayat din ng kalihim ang labor inspectors na mas pagbutihin pa ang kanilang trabaho para masiguro na sumusunod ang mga ne-  gosyo at mga industriya sa labor standards alinsunod na rin sa direktiba ni President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr. sa kagawaran.

Bahagyang pinuna ni Secretary Laguesma ang pagsentro ng regional offices ng DOLE sa micro and small establishments na aniya ay para makuha lamang ang numerical targets ng kaga-waran.

Dumalo sa nasabing summit ang lahat ng regional directors, service office heads, at ang 900 labor inspectors.

Ayon sa DOLE, nitong taong 2022 ay nakapagsagawa ito ng 80,000 na pag-inspeksyon para sa kapakinabangan ng 4.5 million na mga manggagawa.

TINANGGAL NA ANG FISHING BAN SA VISAYAN SEA

Ipinapaalam ng BFAR o   ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na inalis na nito simula February 16, 2023, ang fishing ban sa Visayan Sea na saklaw ang mga lalawigan ng Capiz, Cebu, Masbate, Iloilo at Negros Occidental.

Ang magandang balita, sa tatlong buwan ng pagbabawal sa pangingisda ay walang naitalang paglabag mula sa mga mangingisda.

Kada taon ay nagpapatupad ng “Pahuway sang Baybay” o tatlong buwang pamamahinga ng dagat sa paghuli sa mga isdang sardine, herring at mackerel.

Inaasahan naman na sa maikling pagtitiis ay mas lalaki ang kita ng mga mangingisda dahil sa dadami ang mahuhuli.