Bagong istratehiya sa inspeksyon ng mga establisimyento, inilatag ng DOLE

Bagong istratehiya sa inspeksyon ng mga establisimyento, inilatag ng DOLE

February 16, 2023 @ 6:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Magpapakilala ng bagong inspection strategy ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magpapabuti sa kalidad at lalim ng kanilang mga inspeksyon sa mga pribadong establisyimento sa bansa.

Sinabi ni DOLE secretary Biienvenido Laguesma, na sa bagong pamamaraan ay kabilang ang technical advisory visits (TAV) na sinamahan ng iba pang mga interbensyon bilang mahalagang bahagi ng bagong inspection framework.

ā€œWe would like to see DOLE inspectors look more closely at substantive matters such as compliance with rules on working hours and proper payment of benefits,ā€ including a ā€œnon-negotiableā€ stance on occupational safety and health to follow the spirit of the country’s newly passed occupational safety and health law,ā€ sabi ni Laguesma.

Kamakailan lamang nang matapos ng DOLE ang inspection summit na ginanap sa Philippine International Convention Center sa Pasay City kasunod ng pagpapatuloy ng labor inspections nito at recalibration ng kanilang inspection program.

Hinikayat din ni Laguesma ang mga inspektor na gumagawa ng higit pa sa kanilang tungkulin na tiyakin na ang mga negosyo at industriya ay sumusunod sa mga pamantayan sa paggawa gayundin ang mga kasanayan sa kalusugan at kaligtasan—isa sa mga haligi ng ahensya sa pagtiyak ng hustiyang panlipunan para sa mga manggagawa.

Aniya, ang summit ay isinaayos upang muling ituon ang mga prayoridad ng industriya at sector batay sa mga panganib at kapahamakan kung daan lantad ang mga manggagawa at hindi lamang sa ā€œnumerical targets.ā€

Ang mga regional offices aniya ay may posibilidad na sumandal sa mga micro at maliliit na establisyimento sa pagsisikap na matugunan ang numerical targets.

Pinuri rin ng kalihim ang mga departamento para sa 2022 inspection milestone at para sa pagtaas ng rate ng pagsunod sa parehong mga pamantayan sa paggawa at kaligtasan sa trabaho.

Noong nakaraang taon, nag-inspeksyon ang DOLE sa mahigit 80,000 establisyimento, na nakamit ang walong porsyentong pagtalon mula sa nakaraang taon na nakinabang ng halos 4.5 milyong manggagawa. Jocelyn Tabangcura-Domenden