Bagong Japanese martyr statue inilagay sa Manila

Bagong Japanese martyr statue inilagay sa Manila

December 22, 2022 @ 8:09 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inilagay ang bagong estatwa Japanese martyr na si Blessed Justo Ukon Takayama sa Maynila, kung saan ang karamihan sa mga Katolikong Hapones na ipinatapon sa Pilipinas ay unang nanirahan mga 400 taon na ang nakalilipas.

Binasbasan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang estatwa nang magdaos ng misa sa San Miguel Church sa loob ng Malacanang Palace complex.

Dumalo sina Japanese Ambassador Kazuhiko Koshikawa, Japanese Association in Manila President Seiji Takano at miyembro ng Filipino movement Prayer Warriors of Blessed Takayama.

Ang estatwa ay replica ng wooden sculpture na ipinadala sa Vatican at kinomisyon mula sa mismong iskultor na umukit sa opisyal na imahen ni San Pedro Calungsod.

Ang exile ship ni Takayama ay nakarating sa baybayin ng Maynila noong Disyembre 21, 1614 kasunod ng 44 na araw na paglalakbay mula sa Nagasaki, Japan.

Namatay siya sa Intramuros noong Peb. 3, 1615 at na-beatified ng Vatican noong 2017. Jocelyn Tabangcura-Domenden