BAGONG JEEPNEY, MALAYONG-MALAYO SA DISENYO NG PAGIGING  MALIKHAIN NG PILIPINO

BAGONG JEEPNEY, MALAYONG-MALAYO SA DISENYO NG PAGIGING  MALIKHAIN NG PILIPINO

March 10, 2023 @ 1:10 PM 3 weeks ago


Natapos na ang transportation strike na pinangunahan ng grupong MANIBELA at PISTON matapos na magkaroon   ng pag-uusap sa Malaca-  ñang Palace sa direktiba na rin ni President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr.
Mariing tinututulan ng da-lawang grupo ang sinasabi nilang nakaabang “phase out” ng mga kasalukuyang PUJ o public utility jeepneys sa mga lansangan sa ngalan ng jeepney modernization.

Sa ating “Samu’t Saring Kaalaman” ay pag-usapan natin ang tungkol sa hari ng lansangan.
Batay sa datus ng LTFRB o ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ay nasa pagitan ng 180,000 hanggang 200,000 ang bi-lang ng mga jeepney units sa buong bansa.

Sa kabila ng pagtaas ng bilang ng pribadong sasakyan, pagdami ng mga bus, LRT, MRT at PNR train, ang PUJs pa rin ang pangunahing moda ng transportasyon sa bansa, nasa 40% pa rin ng mga mananakay ang gumagamit nito dahil ito pa rin ang pinakamura sa lahat.

Ang PUJs ay nagsimulang umusbong sa bansa matapos ang World War II noong 1946 kung saan napakaraming US military jeeps ang naiwan sa bansa na ginamit ng mga Amerikano noong panahon ng liberation.

Nilagyan ito ng panibagong bihis ng Sarao Motors at Franscisco Motors na ginawa itong mas mahaba, mas makulay, at mas sumasalamin sa ating pagka-Pilipino.

Ang mga PUJ ay hindi na lamang isang moda ng transportasyon kundi pagkakakilanlan ng ating lahing Pilipino. Kapag sinabing jeepney, ugnay kaagad ito sa Pili-    pinas at mga Pilipino, kaya “icon” ang tawag sa mga ito.

Pero ang PUJ din ang isa sa mga pangunahing nagdudulot ng pagdumi ng hangin ng Metro Manila dahil sa malaking volume ng carbon dioxide na ibinubuga ng mga ito.

Isa sa mga dahilan ng pagbabago sa mga PUJs ay para makabawas sa pagdu-mi ng hangin. Pero lubhang mahal nga lamang ang nakatakdang ipalit dito na presyo ng unit, umaabot sa halagang P2.2 million pesos at malayong-malayo na ang disenyo mula sa kinagisnang jeepney na nagpakilala sa pagiging malikhain ng Pilipino.

Tama ang ginawa ng Marcos administration na buksan ang hapag para sa masusing pag-uusap. Hindi masama ang modernisasyon pero kailangang matiyak na katanggap-tanggap at kakayanin ito ng sektor na siyang maaapektuhan nito.

Sa panibagong pag-uusap na ito ay panalo ang interes ng lahat – ng pamahalaan, ng transportation sector, at ng mga mananakay.