Bagong kaso ng COVID, 943 lang!

Bagong kaso ng COVID, 943 lang!

October 26, 2022 @ 8:18 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Bumaba ang daily case ng COVID-19 sa Pilipinas nitong Martes, Oktubre 25 ayon sa Department of Health.

May kabuuang 943 na bagong impeksyon ang naitala na pinakamababa mula noong Hulyo 5 na 832 na kaso.

Ang aktibong kaso ng sakit ay bumaba rin sa 21,924 mula 22,850 noong Lunes.

Dahil sa mga bagong kaso ng COVID-19 ay umakyat ang nationwide tally sa 3,996,818, habang ang bilang ng mga nakarekober ay tumaas sa 3,911,048.

Tatlumpu’t dalawang bagong nasawi ang naiulat habang ang kabuuang bilang ng mga nasawi ay umakyat sa 63,846.

Sa nakalipas na dalawang linggo, ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng COVID-19 na may 6,939, sinundan ng Calabarzon na may 3,866, Central Luzon na may 2,295, Western Visayas na may 1,564, at Davao Region na may 1,362.

Nitong Lunes, 24.9% ang bed occupancy rate sa bansa, kung saan 7,125 ang occupied at 21,487 ang bakanteng kama.

May kabuuang 13,426 na indibidwal ang nasuri rin nitong Lunes, habang 342 na testing laboratories ang nagsumite ng datos. Jocelyn Tabangcura-Domenden