Bagong La Union governor, handa na sa tungkulin

Bagong La Union governor, handa na sa tungkulin

June 17, 2022 @ 12:00 PM 2 weeks ago


LA UNION- Handang-handa na sa paglilingkod bilang bagong Governor ng lalawigang ito si Governor-elect Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David.

Sa kanyang talumpati kahapon sa ginanap na Turn Over and Oath Taking Ceremony sa Diego Silang Hall, Provincial Capitol para sa mga newly elected officials sa naturang lalawigan, sinabi ni Ortega na handa na handa na siyang ipakita ang kaniyang kakayahan sa pagpapatupad at pagtataguyod ng mga iba’t ibang programang makakatulong sa lalo pang ikauunlad ng kanilang lalawigan.

 Kasama ni Governor-elect Rafy na nanumpa sa tungkulin si Vice- Governor Mario Eduardo Ortega, ang limang elected board members ng 1st District  at ang limang elected board members ng 2nd District ng La Union.

Ang  limang  board members ng 1st District ng La Union ay sina: Maria Rosario Eufrosina P. Nisce, Joy R. Ortega, Gerard G. Ostrea, Jennifer C. Mosuela-Fernandez, at Rachel N. Pinzon samantalang ang limang board members naman ng 2nd District ay sina: Maria Annabelle S. De Guzman, Henry B. Balbin, Cynthia Angelica M. Bacurnay, Ruperto A. Rillera, Jr., 5. Victor I. Rivera.

Si Governor-elect Rafy ang pinakabata at kauna-unahang babai na magiging Governor ng La Union. Rolando S. Gamoso