Bagong labas na official trailer ng Miss Granny, may higit 140K views na

Bagong labas na official trailer ng Miss Granny, may higit 140K views na

July 21, 2018 @ 11:52 AM 4 years ago


Pumalo na sa 140,405 ang views ang bagong labas na official trailer ng Filipino adaptation ng sikat na Korean movie na Miss Granny na pinagbibidahan ni Sarah Geronimo.

Dahil dito, #24 trending ito sa social media.

Iikot ang kwento nito sa isang matandang nasa kanyang 70s na namomroblema sa pagiging pabigat sa kanyang pamilya.

At nang mabibigyan siya ng ‘chance’ na bumalik sa pagkabata,  dahil sa isang misteryosong photo studio, magkakakulay muli ang buhay niya at mas makikilala ang kanyang apo na gagampanan ni James Reid sa isang music band.

Mahanap niya kaya ang kaligayahan na hinahanap niya sa kanyang new life?

Ipapalabas ang pelikula sa August 22 na pagbibidahan din nila Xian Lim, Nova Villa at marami pang iba sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal. (Remate News Team)